Manila, Philippines – Makalipas ang limang buwan na pagtatago , bumagsak na rin ang isang No.9 Most Wanted Person matapos na magpalabas ng Warrant of Arrest ang husgado.
Arestado ang suspek na si Jose Marri Salvacion 28 anyos residente ng Block 69 Lot 5 Amarillo Street Brgy. Rizal Makati City.
Ang pagkaaresto kay Salvacion ay base na rin sa bisa ng Warrant of Arrest dahil kasong Carnapping na inisyu ni Hon. Presiding Judge Matias M Garcia II, RTC Br 19 sa Makati City na may petsang Dec. 18,2017.
Ayon kay Chief ng Station Intelligence Section P/Chief Inspector Roman Salazar Jr matagal nang nagtatago sa batas si Salvacion pero nang maispatan sa kahabaan ng Amarillo agad na dinakma ng mga pulisya dahil na rin sa kasong Carnapping kinakaharap nito.