KILIG! | Palitan ng mensahe ng dalawang sikat na fast food chain – viral

Boston – Rumo-road to forever ang dalawang sikat na fast food chain dahil sa palitan nila ng nakakikilig na mensahe.

Kamakailan nga nang mag-viral sa social media ang larawan ng signage ng magkatabing Burger King at Wendy’s sa Boston, Massachusetts.

Sa signage ng Burger King, mababasa ang “@wendy’s, prom?” na tila nag-aaya ng date.


Sinagot ito ng Wendy’s sa pamamagitan din ng signage: “ok, but don’t get handsy and we have to be home by 10.”

Agad na nag-viral sa Twitter ang palitang ito ng mensahe na lalo pang umingay sa social media matapos na umeksena ang moon pie snacks na nag-tweet ng “i knew i should’ve asked sooner.”

Facebook Comments