KULONG | Number 9 most wanted sa Pasig, naaresto na

Pasig City – Naaresto na ng Pasig police ang pang-siyam na most wanted person ng lungsod.

Kinilala ang suspek na si Patrick Angeles, 22 taong gulang at isang construction worker.

Ayon kay Pasig City Chief Senior Supt. Rizalito Gapas, inaresto sa bisa ng warrant of arrest ang suspek sa kasong murder na inisyu ni Pasig City Regional Trial Court Branch 161 Judge Nicanor Manalo Jr.


Si Angeles kasama ang tatlong iba pa ang itinuturong pumatay sa isang Gregorio Cruz Jr at isa pang residente ng Barangay Sta. Cruz sa lungsod noong Pebrero 2016.

Facebook Comments