KULONG | Pamangkin, tinangkang gahasain ng sariling tiyuhin

Manila, Philippines – Inireklamo ang isang construction worker matapos nitong tangkaing halayin ang mismong 12-anyos na pamangkin.

Ayon kay Police Chief Inspector Peter Pinalgan, hepe ng Lagao Police Station, mismong ang kapatid ng biktimang si alias nene ang dumulog sa kanilang presinto.

Kwento ng biktima sa kanyang kapatid, dinala raw umano siya ng suspek sa madilim na lugar at doon umano ginawa ang panghahalay.


Sa mabuting palad ay hindi natuloy ang masamang balak ng suspek dahil agad itong nakatakas.

Agad na nakapagsumbong ang biktima sa kanyang kapatid kung kaya’t mabilis na nakaresponde ang kapulisan at matagumpay na nahuli ang suspek.

Lumabas sa imbestigasyon na panghihipo lamang sa mga pribadong bahagi ng katawan ang ginawa ng suspek sa biktima at hindi ito nagahasa.

Kasalukuyang nakakulong sa nasabing presinto ang suspek na hindi na itinanggi ang akusasyon laban sa kanya.

Facebook Comments