KULONG! | Suspek na pumatay sa judge ng MCTC sa Camarines Sur, naaresto na

68

Camarines Sur – Nadakip na ng pulisya ang suspek na pumatay kay Judge Ricky Begino ng Municipal Circuit Trial Court, San Jose Lagonoy, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Wilfredo Armea na naaaresto sa bayan ng San Jose sa tulong na rin ng mga kamag-anak nito.

Nabatid na away sa lupa ang motibo sa krimen kung saan binaril ng suspek ang biktima malapit sa entrance ng MCTC.

Tama ng bala sa leeg ang tinamo ng biktima na nagawa pang maisugod sa ospital pero binawian rin ito ng buhay habang ginagamot.

Facebook Comments