Quezon City – Naaresto na ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek sa panggagahasa ng 12-anyos na babae sa lalawigan ng Abra.
Bitbit ang warrant of arrest, nahuli si Junnel Domingo sa kaniyang pinagtataguang bahay sa Barangay Commonwealth, Quezon City.
Todo tanggi naman si Domingo sa rape case na isinampa laban sa kanya noon pang Disyembre 2011.
Giit ni Domingo, dahil wala siyang pera, hindi na siya sumipot sa pagdinig ng kaniyang kaso at umalis na siya sa bayan ng San Juan, Abra.
Maliban dito, napag-alaman rin ng mga pulis na top-2 most wanted si Domingo sa bayan ng San Juan.
Inaasikaso na ng mga pulis ang pagpabalik kay Domingo sa Abra para harapin ang kaniyang mga kaso.
Facebook Comments