KULONG | Top 1 most wanted arestado sa Sta. Maria, Bulacan

Bulacan – Naaresto na ng Manila Police District (MPD) ang top 1 most wanted personality, makaraang magsagawa ng operasyon sa kahabaan ng Caypalong Street, Barangay San Vicente Sta. Maria, Bulacan.

Sa pinagsanib na pwersa ng Malate Police Station Intel Section at Sta. Maria Bulacan Mps Intel Section, nadakip na ang suspect na kinilala bilang si Ronald Medura.

Sa ngayon ay nananatili pa sa pangangalaga ng mga pulis ang suspect at hinahainan na ng kaukulang kaso.


Facebook Comments