KULONG | Tulak ng ilegal na droga, arestado sa QC

Quezon City – Arestado ang isang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Mindanao Ave. extension corner Regalado highway sa Quezon City.

Nahuli sa operasyon si alyas Rodman na umano ay tulak sa Barangay Greater Lagro at kalapit na lugar.

Inaresto ang suspek matapos nitong bentahan ng umano ay shabu ang operatiba ng Fairview Police Station.


Nakuha sa suspek ang dalawang medium heat-sealed sachet ng hinihinalang shabu at dalawang maliit na sachet ng shabu na posibleng ibebenta ng suspek sa ibang customer.

Facebook Comments