DAHIL SA GALIT | 17-anyos na lalaki, sugatan sa pananaksak ng isang 6-anyos

22

Valenzuela City – Sugatan ang isang lalaki ang 17-anyos matapos saksakin ng isang 6-anyos na batang lalaki sa Santol Street, Bilog sa Barangay Balangkas Valenzuela City.

Inoobserbahan pa sa Valenzuela Medical Center ang biktima na isang 17-anyos na out-of-school youth at taga-Barangay Balangkas.

Kinilala ang suspek na 6-anyos na si “Von” (hindi tunay na pangalan), isang grade 2 pupil.

Sa inisyal na imbestigasyon, nag-away ang ama ng suspek at ang biktima.

Dito ay pinalo ng 17-anyos ang ama ng bata ng kawayan.

Sa galit ng bata, sinaksak niya ng kutsilyo sa tiyan ang biktima.

Inilagay na sa pangangalaga ng Valenzuela City Child Protection Center ang suspek na 6-anyos para sa counseling at karagdagang intervention.

Facebook Comments