Manila, Philippines – Sa opening ceremony ng 31st ASEAN Summit ay itinampok sa pamamagitan ng pagtatanghal ang kultura ng Pilipinas.
Habang dumarating ang ibang mga delegado ng iba`t ibang bansa ay nagtanghal ang mga Filipino performers sa pangunguna ng singer/song writer na si Joey Ayala.
Dito ipinamalas ng mga performers ang kultura ng bansa sa pamamagitan ng kanta at cultural dance.
Ipinakita din ang sining na likha ng mga Pilipino sa mga kasuotan ng mga nagtanghal.
Dumagdag din sa highlight ang pagsasayaw ng hip-hop ng iba`t ibang bansa sa ASEAN na nagpapakita na iba-iba man ang lahi ay maaari pa ring magkaisa para sa natatanging layunin.
Ngayong umaga din ay ipaparinig sa mga bisita ang ASEAN Music Festival ng ibat ibang mga bansa sa pangunguna ng National Commission for Culture and the Arts.
Samantala, naghahanda na rin ngayon ang mga heads of state para sa 31st ASEAN plenary session at si Pangulong Duterte naman para sa kanyang bilateral meeting kay US Pres. Donald Trump mamayang tanghali.