Kulturang pagkuyog sa mga kabarong tiwali, nais ni PNP Chief na isabuhay ng mga pulis lalo na sa mga bagong promote

Manila, Philippines – Mahigit 21 libong mga PNP Non-Commissioned Officer sa buong bansa ang tumaas ang ranggo.

Sa Camp Crame pinangunahan ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa ang donning or ranks ceremony sa mahigit isang libong PNP Non Commissioned officer nakatalaga sa PNP National Headquarters.

Sa kanyang mensahe sa mga bagong promote na pulis nanawagan ito na huwag kokonstihin ang mga kabaro na gumagawa ng katiwalian.


Sa halip aniya dapat itong kuyugin upang hindi na maipagpatuloy ang katiwalian.

Paliwanag ni Dela Rosa kung papabayaan aniya ang mga kabarong tiwali sa tungkulin makakadagdag pa ito sa pagsira sa imahe ng organisasyon.

Facebook Comments