Kumakalat na balita tungkol sa pagpapatupad ng lockdown ng PNP, pinabulaan ni Acting PNP Spokesperson Major General Durana

Itinanggi ni Philippine National Police Director for Police Community Relations at Acting Spokesperson Police Major General Benigno Durana Jr. ang mga kumakalat sa social media na may kautusan ang pamunuan ng Philippine National Police na i-lock down ang National Capital Region (NCR).

Ginawa ni Durana ang pahayag matapos na kumalat sa social ang isang memo patungkol sa umano’y pagpupulong na pinatawag ng PNP para pagplanuhan ang lockdown sa ilang bahagi ng Metro Manila dahil na rin sa mga kaso ng COVID-19.

Ayon kay Durana, tanging ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) lang ang may awtoridad na mag-isyu ng lockdown order kaugnay sa umiiral na Public Health Emergency.


Matatandaang magsasagawa sana ng press conference ang Department of Health (DOH) kaugnay ng napagusapan sa pagpupulong sa Deparment of National Defense (DND) ng Inter-Agency Task Force on emerging infectious diseases.

Pero hindi ito natuloy at sinabi ng mga opisyal na gusto munang makausap ng Pangulong Duterte ang mga miyembro ng task force bago magpalabas ng anumang announcement.

Facebook Comments