Kumakalat na “bikoy” video na naguugnay kay Paulo Duterte sa droga, self serving ayon sa PNP

Ikinokonsidera ng Philippine National Police na Self serving ang tinaguriang “bikoy video” na kumakalat sa social media na nag-uugnay sa anak ng Pangulo na si Paulo Duterte sa ilegal na droga.

 

Sinabi ito ni  PNP Chief Police General Oscar Albayalde kasabay ng paalala sa mga netizens na wag basta basta maniwala sa mga ganitong akusasyon na pinapalutang sa internet.

 

Ayon kay Albayalde  panahon ng eleksyon ngayon kaya maraming propaganda na kumakalat sa social media.


 

Sa video, ipinakita ng isang umano’y dating tagahawak ng pera ng Drug syndicate na nagpakilala lang na “bikoy”, ang mga dokumento kung saan nakalista ang mga umano’y bank accounts na kung saan dineposito Ang milyong milyong Drug money.

 

Sinabi sa video na ang mga naturang bank account ay pagaari ni Paulo Duterte at Waldo Carpio na bayaw ni Sarah Duterte.

 

Ayon sa PNP Chief, kwestyonable ang mga naturang dokumento dahil hindi normal para sa mga sindikato na ilagay sa isang pormal na listahan na may pirma pa ang mga humawak ng pera, ang “tara” na kanilang ipinamamahagi.

 

Kahit na sino aniya ay maaring gumawa ng mga naturang dokumento, at ipakalat sa social media para siraan Ang kanilang mga kalaban sa pulitika.

Facebook Comments