Nabahala si Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur” Abalos Jr., sa kumakalat ngayon na isa umanong unnumbered & unsigned memorandum circular na may paksang mga patnubay sa modernisasyon ng operasyon ng cockpit o sabong sa lahat ng Local Government Units (LGU) sa Pilipinas.
Batay sa inilabas na pahayag ni Abalos, ang nasabing memo ay hindi galing o inilabas ng kagawaran at hindi umano ito isang opisyal na dokumento.
Binigyang din ng kalihim na ang kumakalat na memo ay isang “Peke” o “Fake News” kaya walang ito bisa at epekto.
Nilinaw ni Abalos na ang pinakabago at opisyal na direktiba ng DILG kaugnay sa mga operasyon ng mga sabungan ay ang DILG Memorandum Circular No. 2022-003 na may petsang Enero 19, 2022 na may paksang: “Guidelines on the resumption of cockpit operations or cockfighting in areas under Alert Level 2 or Lower.”
Kasabay nito, pinapayuhan ng DILG chief ang publiko na maging mag-ingat sa mga huwad na dokumentong ito at magtiwala lamang sa mga opisyal na mapagkukunan.
Maaari aniyang ma-access ang mga opisyal na kopya ng mga inilabas ng DILG sa kanilang website (www.dilg.gov.ph), habang ang mga opisyal na pahayag, ulat, at update ay naka-post sa pamamagitan ng kanilang mga social media pages.