DOH, may mensahe sa publiko sa harap ng banta ng XBB variant

Bagama’t patuloy na naka-monitor ang Department of Health (DOH) at ang University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PCG) sa banta ng XBB variant ng COVID-19, naglabas ng mensahe ang DOH sa publiko para maprotektahan ang kanilang kalusugan laban sa mga bagong variants.

Kabilang sa mahigpit na kampanya ng DOH sa publiko ang pagpapaturok ng booster shot.

Gayundin ang patuloy na pagsusuot ng face mask, pagpapairal ng social distancing, sanitation at ventilation.


Nanindigan naman ang DOH na wala pa ring nakakapasok sa bansa na kaso ng XBB variant na sinasabing dahilan ng surge ngayon sa Singapore.

Facebook Comments