Kumakalat na disqualified na ang isang Gubernatorial Candidate sa Pangasinan pinabulaanan ng Comelec!

Walang katotohanan ang kumakalat ngayon na facebook post sa di umanoy pagkaka-disqualified ng isang gubernatorial candidate sa lalawigang Pangasinan dahil umano sa kasong vote buying. Lumabas ang nasabing post matapos ang insidenteng pagkakahuli ng apat na katao sa Aguilar Pangasinan ngayong araw dahil sa hinihinalang vote buying activity.

Ayon kay Atty. Ericson Organiza, Provincial Election Supervisor ng Pangasinan hindi agad agad pwedeng ma-disqualify ang isang kumakandidato hanggat wala pang pinal na desisyon ang Comelec en banc. Sa panayam ng IFM Dagupan hinalintulad ni Organiza ang nasabing kaso sa mga pangkaraniwang kaso na dinidinig sa mga korte na may proseso bago ma-convict. Ipinaliwanag nito na hindi basta basta ang diskwalipikasyon ng kandidato dahil may sinusundan na proseso ang batas at kailangan ng cinviction bago ang final judgement. Sa huli sinabi nitong wala pang disqualify na kandidato sa lalawigan at kung sino man ang nasa certified list of candidates ay sila pa rin ang mga magkakatunggali sa halalan.

Nagpaalala naman si Organiza sa mga mamamayan lalo na sa mga netizens na huwag maniwala sa mga post sa social media basta basta.


Facebook Comments