Walang katotohanan ang mga kumakalat na mensahe sa text at video sa social media kaugnay sa umano’y planong ISIS-inspired attack day sa harap ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Sinabi ito Western Mindanao Command Spokesperson Major Arvin Encinas kasabay ng pahayag na recycled lang ang mga naturang mensahe mula sa mga kahalintulad na banta na kumalat bago ang ratipikasyon ng BARMM law noong 2017.
Nilinaw ni Encinas na ang nakapaloob sa video na isa umanong 2nd Lt. Daniel Pedregosa ay hindi miyembro ng AFP at wala sa kanilang “roster of troops”.
Kaya na panawagan ni Encinas sa publiko na huwag nang i-share pa ang mga unverified information.
Siniguro naman ni Encinas na hindi pinababayaan ng WESMINCOM ang pagbabantay sa anumang posibleng banta at laging handang pigilan ang terorismo, sa gitna ng umiiral na ECQ.