Kumakalat na ulat ukol sa “Super Typhoon Maria”, fake news – PAGASA

Pinabulaanan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga kumakalat na ulat sa social media na tatama sa bansa ang isang super typhoon na may pangalang “Maria”.

Iginiit ng PAGASA, hindi totoo ang mga kumakalat na social media post.

Wala anila dapat ipag-panic ang publiko.


Maliban sa Bagyong Fabian at Tropical Storm “Nepartak”, walang namo-monitor ang PAGASA na bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Umapela ang PAGASA sa publiko na kumuha lamang ng impormasyon sa kanilang official website bagong.pagasa.dost.gov.ph o kanilang social media pages Dost_pagasa sa Facebook at @dost_pagasa sa Twitter, at DOST-PAGASA Weather Report sa YouTube.

Facebook Comments