Kumander ng BIFF – arestado sa Midsayap, North Cotabato

North Cotabato – Arestado ang umano’y miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) sa inilunsad na joint enforcement and security operation sa sitio Campo Muslim, Barangay Nabalawag sa bayan ng Midsayap, North Cotabato kahapon.

Kinilala ang naaresto na si Muslimin Ladtungan, subcommander ng BIFF sa ilalim ni kumander DM.

Sa pahayag ni 34th IB commander Lt. Col. Angelo Lutera ang nahuling si Ladtungan ay isang bomb maker.


Inabutan ito sa isang bahay sa nabanggit na lugar habang nakatakas naman ang kanyang mga kasamahan kabilang si Kumander DM.

Nakuha sa tahanan ng suspek ang isang m14 rifle, dalawang kalibre.45, pistola na may kasamang mga bala, at rocket propelled grenade o RPG at isang fragmentation grenade.

Facebook Comments