Kumbinasyon ng four-day work week at work-from-home arrangement, inirerekomeda ng CSC

Inirerekomenda ng Civil Service Commission (CSC) na pagsamahin na ang four-day work week at work-from-home arrangement upang masiguro na may work-life balance ang mga manggagawa.

Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, may mga bagay na dapat ikonsidera ang mga head of offices kung ipatutupad ang four-day compressed work week tulad ng mental health, wellness, at work-life balance ng mga kawani ng gobyerno.

Aniya, malaking hamon sa mga empleyado ang sampung oras na pagtatrabaho kung kaya’t maaaring gawing walong oras na lamang ang apat na araw at work-from-home naman sa ikalimang araw.


Matatandaang inirekomenda ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang four-day work week na may 10 hours kada araw para makatipid ng enerhiya sa gitna ng tumataaas ng presyo ng langis.

Facebook Comments