Kumbinasyon ng Pfizer at AstraZeneca, epektibo para sa pagpapalakas ng immune system ayon sa pag-aaral ng Oxford

Lumabas sa isang pag-aaral na mas nakakapagpalakas ng immune system ng isang tao ang kumbinasyon ng Pfizer at AstraZeneca kontra COVID-19.

Batay ito sa ginawang pag-aaral ng Oxford University na tinatawag na Com-Cov kung saan lumabas na mayroong high concentration ng antibodies laban sa COVID-19 kung magpapabakuna ng Pfizer apat na linggo makalipas magpaturok ng AstraZeneca.

Pinatutunayan naman ito ng datos mula sa naging desisyon ng European countries na nagsimulang mag-alok ng alternatibong second dose vaccine para sa first dose na AstraZeneca.


Pero ayon kay UK Deputy Chief Medical Officer Professor Jonathan Van-Tam, walang naging dahilan upang patigilin ang kasalukuyang pagbabakuna ng parehong dose dahil sapat naman ang suplay.

Sa ngayon, mayroon nang mga bansang nag-aalok ng kumbinasyon ng mga doses kung saan kabilang dito ang Spain at Germany na nag-aalok ng second dose ng Pfizer o Moderna mRNA vaccines sa mga nakatanggap na ng first dose ng bakuna ng AstraZeneca.

Facebook Comments