Ang Dagupan ay mas kilala dahil sa Bangus Festival. Ang bangus ang pangunahing isda na napakahalaga sa ekonomiya ng Dagupan. Mga sariwang bangus na gustong gusto ng mga Pangasinense ganun din pati mga balikbayan o ng mga dayuhan. Maraming klase ng luto ang pwedeng gawin sa bangus nandyan ang Kilawing bangus, lumpiang bangus, daing na bangus, tinapang bangus, relyenong bangus at ibp. Hindi lang sa pag aalaga ng mga bangus ang pwedeng maging hanap buhay ng mga taga Dagupan dahil sa simpleng pag De-Debone ng Bangus maaari ka ng kumita.
Kailangan mong gumamit ng:
- Forceps
- Chopping Board
- Sharp Knife
- Trays
Ito ang mga hakbang kung paano mag debone ng bagus:
- Una mong gawin ay hatiin mula sa likod ang bangus, alisin ang hasang at lamang loob.
- Hugasan ito at gamit ang forcep alisin isa isa ang mga tinik ng bangus.
- At kung sa tingin mo ay malinis na ito tsaka mo na timplahan ayon sa iyong panlasa at ito’y i-repack.
Maaari ka ng magsimula ng maliit na negosyo gamit ng iyong kaalaman sa pag de-Debone ng Bangus. Sa panimula maaring mahirap pero ganun pa man kung ikaw ay may tiwala at tiyaga tiyak ikaw kikita.
Dahil nalalapit na ang Pasko tiyak patok pa rin ang bangus sa mga mamimili lalo na sa mga ayaw ng karne. Paborito mo ba ang Boneless Bangus?
Photo credited to Google Images