KUMPIRMADO | Abu Sayyaf, nagpalaya ng mga bihag

Manila, Philippines- Anim na bihag ng Abu Sayyaf ang pinalaya sa bayan ng Patikul, Sulu.

Ito ang kinumpirma ng militar kung saan ang mga biktima ay sapilitang dinukot ng Abu Sayyaf mula sa kanilang mismong tahanan noong Nobyembre 14.

Nabatid na natagpuan ang mga hostage sa Sitio Buhaw-Buhawan, sa Barangay Latih ng mga residente.


Kinilala ang mga napalayang bihag na sina Marissa Trinidad, Jessie Trinidad, Lucy Hapole, Jimmy Trinidad, Marciano Hapole at ang pitong taong gulang na bata na si Nelson Hapole.

Tumanggi naman ang mga otoridad na kumpirmahin kung nagkaroon ng ransom payment para sa pagpapalaya sa mga biktima.

Facebook Comments