Manila, Philippines – Kinumpirma ni Defense Secrerary Delfin Lorenzana na totoo ang destabilisasyon laban sa administrasyong duterte pero nilinaw nyang hindi kasama ang Armed Forces of the Philippines sa nais magpabagsak sa Pangulo.
Direktang tinukoy ni Lorenzana ang Communist Party of the Philippines New Peoples Army na nasa likod ng pagpapabasagsak sa Duterte administration.
Aniya taong 2016 pa nang makakuha ng impormasyon ang gobyerno pero taong 2017 naisapinal o nakumpirma ang impormasyon.
Aniya bumuo ang CPP NPA ng Duterte movement na nanghihikayat para pabagsakin ang Administrasyong Duterte.
Ito aniya ang dahilan bakit may paalala si AFP chief of staff Gen Carlito Galvez Jr. sa kanyang mga tauhan na huwag pakikingan sakaling may mga lumapit para irecruit sila.
Giit pa ni Lorenzana nanatiling mataas ang morale ng hanay ng armed forces of the Philippine.