Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa kustodiya sa Syria ang isang ikalawang suspek sa pagpatay sa OFW na si Joanna Demafelis.
Ayon kay DFA Sec. Alan Peter Cayetano, inabisuhan sila ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait na si *Mona Hassoun*, misis ni *Nader Essam Assaf* na siyang mga pangunahing suspek ay hawak na mga awtoridad sa Damascus.
Nai-turn over naman sa Lebanese authorities ang mister ni Mona.
Dagdag pa ng kalihim, ngayong nahuli na ang mga pumatay kay Demafelis, ang DFA at Dept. of Labor and Employment (DOLE) ay titiyakin na makakamit ang hustisya sa sinapit ng pinay OFW.
Matatandaang humingi na ng tulong Kuwaiti government sa Interpol para matugis at maaresto ang mga suspek.
Facebook Comments