BUKAS SA KRITISISMO | Isinagawang ‘walk for life’, welcome sa Malacañang

Manila, Philippines – Malugod na tinanggap ng Malacañang ang ikinasang ‘walk for life’ ng simbahang katolika bilang pagtutol sa ilang usapin ng bayan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, patunay lamang ito na buhay ang diwa ng demokrasya at kalayaan sa bansa.

Bukas anya si Pangulong Rodrigo Duterte na tumanggap ng anumang kritisismo at hinahayaan niyang ilabas ang saloobin ng publiko nang hindi lumalabag sa batas.


Pinasalamatan naman ng palasyo ang mga lider ng simbahan dahil sa pakikipag-ugnayan nito sa mga awtoridad para sa mapayapang rally.

Facebook Comments