Manila, Philippines – Siyam na lamang ang bihag ngayon ng Abu Sayyaf Group sa lalawigan ng Sulu.
Ito ang kinumpirma ni AFP Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General Cirilito Sobejana.
Aniya sa siyam na kidnap victims, anim ay mga banyaga kabilang ang isang Dutch national at limang Indonesians at tatlo ay mga Filipino.
Ayon kay Sobejana iba iba ang locations ng mga ito Sulu.
Batay sa rekord ng AFP sa pagsisimula ng taong 2017 umabot sa 43 ang naitalang kidnap victims sa Sulu.
Pero ayon kay Sobejana, 11 dito ay nailigtas na nila, 14 ay pinalaya, 4 ay nakatakas, 4 ay napatay at ang natitira at siyam.
Sa ngayon mas naging maigting ang operasyon ng militar kontra terorista ASG batay na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte upang mailigtas ang mga natitira pang bihag ng mga bandido.