KUMPIRMADO | Pagpupulong nina US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong-un, plantsado na

Plantsado na ang gagawing pulong nina U.S President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong-un.

Kinumpirma ito mismo ni White House Spokesperson Sarah Sanders kung saan sinabi nitong may napili ng lugar para sa venue ng pagpupulong ng dalawa.

Nagkasundo na rin aniya si National Security Adviser John Bolton at ang kanyang counterpart sa North Korea para sa venue ang petsa ng nasabing pag-uusap.


Una nang lumabas ang mga report na ngayong buwan magaganap ang paghaharap nina Kim at Trump.

Ilan sa mga naunang ulat ang nagsasabi na posibleng ganapin ang pulong sa demilitarized zone o ang lugar sa boundary ng South at North Korea samantalang may nagsasabi rin na bukas ang Singapore para gawing venue ng naturang paghahara

Facebook Comments