Matteo Guidicelli, itinanggi ang mga haka-haka patungkol kay Sarah

40

Itinanggi ni Matteo Guidicelli na “may something” sa kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo na siyang kumakalat ngayon na chismis.
Ito ay matapos ang nangyaring breakdown ng pop princess sa kanyang concert na “This 15 Me” sa Las Vegas noong April 29.
Naging emosyonal si Sarah kung saan matatandang nag-sorry at nagsabi ng “pagod po ako..” sa mga fans na nanood ng concert nito.
Sa panayam ni Ricky Lo kay Matteo, mariing itinanggi ng singer-actor ang mga espekulasyon ng ilang tao na nagdadalantao daw si Sarah.
Ani ni Matteo, “No, of course not.”
Bukas, May 6, gaganapin sa New York ang huling leg ng This 15 Me U.S. concert tour ni Sarah.

Facebook Comments