KUMPIRMADO | PNP – kinumpirma ang pagkakaaresto sa Taiwan kay Ozamiz City Councilor Ricardo Parojinog

Manila, Philippines – Matapos ang sampung buwan na pagtatago, bumagsak na rin sa kamay ng otoridad sa Taiwan ang Puganteng si Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog, ang kapatid ng napaslang na si dating Ozamiz Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog Sr.

Ayon kay Philippine National Police Chief Spokesman Chief Supt. John Bulalacao, kinumpirma ni Chief Supt. Albert Ignatius Ferro ng drug enforcement group ang pagkaka-aresto kay Ardot ng Taiwanese authority.

Si Ardot ay nagtago matapos ang madugong raid sa mga tahanan ng mga Parojinog sa Ozamiz na nagresulta sa pagkakapatay kay Mayor Parojinog nang manlaban umano ito sa mga operatiba na nagsilbi ng search warrant.


August 2017, nagpalabas ng lookout bulletin ang Department of Justice laban kay Ricardo kaugnay ng mga raids sa bahay ng mga Parojinog kung saan mayroong mga narekober na mga armas at bala.

Samantala, magpapadala naman ng team ang PNP sa Taiwan para maibalik si Ardot Parojinog sa Pilipinas

Facebook Comments