KUMPIRMADO | U.S.-North Korean Summit, tuloy na sa June 12

Amerika – Kinumpirma ng White House na tuloy na sa June 12 ang pagpupulong sa pagitan nina U.S. President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong-un sa Singapore.

Ayon kay White House Spokeswoman Sara Sanders, puspusan na ang paghahanda sa nalalapit na summit.

Aniya, nasa Singapore na ang kanilang advance team na binubuo ng military, security, technical at medical staff.


Magkakaroon din ng daily briefings tungkol sa North Korea si Trump hanggang sa araw ng makasaysayang summit.

Facebook Comments