SUPORTADO | Pangulong Duterte, suportado ang pagpapatayo ng bagong senate building

Manila, Philippines – Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano ng Senado na magpagawa ng bagong gusali sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Matatandaang sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na kalahati lamang ang aakuin ng Senado sa gastos sa pagpapatayo ng bago nilang building.

Ayon kay Duterte, hindi sya tututol na magkaroon ng mas malaking lugar para sa mga senador


Kasalukuyang nagrerenta ang Senado sa GSIS headquarters sa Pasay City at nakatakda silang lumipat sa 2020.

Facebook Comments