Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, mahigit 89,000 na; 38,075 record-high recoveries, naitala

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 38,075 record-high recoveries mula sa COVID-19 ngayong Huwebes

Batay sa case bulletin ng DOH alas-7:30 ng gabi, umabot na sa 65,064 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Nadagdagan naman 3,954 ang bagong mga kaso na mayroon ng kabuuang 89,374 kung saan 22,327 ang aktibo.


Nasa 88.0% ang may mild condition, 9.6% ang mga asymptomatic, 1.4% ang severe at 1.0% ang critical.

23 naman ang naitalang nasawi na umabot na sa 1,983.

Facebook Comments