Positibong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa, umakyat na sa 1,390

Sa pinakahuling tala na inilabas ng Muntinlupa City Government, pumalo na sa 1,390 ang positibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nabanggit na bilang, 692 ang aktibong kaso, 625 ay naka-recover na at 73 ang nasawi.

Ang probable COVID-19 cases ay 868 at ang suspected ay 678.


Dahil dito ay patuloy ang paalala ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa sa lahat na manatili sa loob ng tahanan upang makaiwas sa COVID-19.

Facebook Comments