Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila, higit 2,000 na

Umabot na sa 2,019 ang bilang ng mga residente ng lungsod ng Maynila na kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Ito’y matapos na makapagtala ang Manila Health Department (MHD) ng bagong 83 active cases.

Nasa 701 na mga residente ang suspected at 14 ang probable cases.


Pumalo naman sa 120 ang naitalang nasawi sa COVID-19, kung saan 629 ang nakarekober sa sakit.

Facebook Comments