Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Parañaque, higit 1,000 na

Pumalo na sa 1, 024 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Parañaque City.

Sa nasabing bilang, 252 ang active cases na patuloy na tinututukan ng Parañaque City Health Office at Parañaque City Epidemiology and Surveillance Unit.

Nasa 57 naman ang bilang ng nasawi habang 715 na ang nakarekober.


Pinakamataas na bilang ng active cases ay naitala sa Barangay BF Homes na nasa 43, sinundan ng Barangay Tambo, 33; Barangay Sun Valley, 21 at 20 sa iba pang mga barangay.

Umaabot naman na sa 16,331 na mga residente ang isinailalim sa rapid test habang nasa 7,702 ang sumalang sa swab test.

Patuloy pa rin ang paalala ng lokal na pamahalaan ng Parañaque sa mga resdiente na manatili lamang sa kani-kanilang tahanan kung walang importanteng gagawin sa labas at sundin ang mga guideline na ipinapatupad upang maiwasan ang COVID-19.

Facebook Comments