Umakyat na sa 11,662 ang kabuuang bilang ngayon ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Taguig matapos na madagdagan ng 19 sa nakalipas na 24 oras.
Mula sa nasabing bilang, 11,398 ang gumaling matapos namang madagdagan ng 10 new recoveries.
Nananatili naman sa 179 ang bilang ng mga nasawi sa lungsod dulot ng virus.
Nasa 85 pa ang active cases sa lungsod na patuloy na nagpapagaling sa mga quarantine facility.
Pero batay sa datos City Epidemiology Diseases and Surveillance Unit o CEDSU, mataas pa rin ang recovery rate ng lungsod kung saan nasa 97.74% ito, kumpara sa 1.53 % na case fatality rate o porsyento ng nasasawi sa lungsod na sanhi ng COVID-19.
Facebook Comments