Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City, nadagdagan ng 2

38

Nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City.

Isa sa bagong kaso sa Lungsod, si patient 6, 88-anyos na ginang ay ina ni patient 2. Nakaranas ito ng mild symptoms at ngayo’y naka-home quarantine na.


Habang ang isa pang kaso, si patient 7 ay 36-anyos na mister naman ni patient 1. Si patient 7 ay may travel history sa labas ng bansa.

Nagkasa na ng contact tracing ang Lokal na Pamahalaan ng Valenzuela habang nakuhanan na rin ng swab ang mga taong nagkaroon ng close contact sa mga pasyente.

Hinimok din ng LGU ang mga residente nito na may sintomas ng COVID-19, travel history o exposure sa mga may COVID-19 patient na makipag-ugnayan sa COVID-19 Hotline ng Lungsod  (8-352-5000).

Facebook Comments