Kumpirmasyon mula kay PRRD kung tatakbo sa pagkabise presidente, malalaman sa kaniyang ‘Talk to the People’ mamayang gabi

Tuloy ang ‘Talk to the People’ ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang gabi.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, posibleng lamanin ng ulat sa bayan ng pangulo ay ang kumpirmasyon nito kung talagang tatakbo itong bise presidente sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban.

Kinumpirma rin ng kalihim na nagkaroon ng pulong kagabi ang pangulo at si PDP-Laban President Secretary Alfonso Cusi kasama si Presidential Adviser for the Visayas Michael Dino pero wala siyang ibang impormasyon hinggil dito.


May nauna nang lumabas na statement mula sa PDP-Laban na tinanggap na ni Pangulong Duterte ang endorsement ng partido na tumakbo bilang bise presidente para sa eleksyon 2022.

Facebook Comments