Manila, Philippines – Sinuspinde muna ng Commission on Appointment ang kumpirmasyon ni DENR. Sec. Gina lopez.
Hindi pa kasi madesisyunan ng CA ang kumpirmasyon ng kalihim dahil kailangan pang mapakinggan ang panig ng iba pang opositor nito.
Una rito, nag-sorry si Lopez sa mga kongresista hinggil sa isyu ng umano’y panunuhol para harangin ang kanyang kumpirmasyon.
Pinayagan din ang kalihim na magbigay ng presentation kaugnay ng mga plano at programa nito para sa denr lalo na sa pagkalinga sa mga maaapektuhan ng pagpapasara ng mga minahan.
Sinagot din nito ang patutsada ng ilan sa mga kongresistang may interes sa pagmimina tulad ni San Juan Cong. Ronaldo Zamora na Vice Chairman ng CA.
Tiniyak din ni Lopez sa mga kumukwestiyon sa kanyang kakayahan na bagama’t literature ang kanyang background ay ginagabayan naman aniya siya ng mga eksperto at mapagkakatiwalaang tao sa DENR.
Ayon naman kay Senador Manny Pacquiao, Chairman ng CA Environment and Natural Resources Committee – tiwala siya sa katapatan at pagmamahal ni Lopez sa kalikasan pero kailangan pa rin niyang pakinggan ang lahat ng tutol sa kanya.
Bukas, ipagpapatuloy ang pagdinig ng ca kung saan inaasahang madedesisyunan na ang kumpirmasyon kay Lopez bilang kalihim ng DENR.
RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila
Facebook Comments