Kumpirmasyon ni Foreign Affair Sec. Perfecto Yasay, ibinasura ng Commission on Appointments

57
Manila, Philippines – Tuluyan nang ibinasura ng Commission on Appointments (CA) ang kumpirmasyon ni Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay.
 
Sa isinagawang botohan, 15 miyembro ng CA foreign relation committee ang bumotong pabor na ma-reject ang appointment ni Yasay bilang kalihim ng DFA.
 
Sa plenary session ng CA, inisa-isa ni committee Chairman Sen. Panfilo Lacson ang mga dahilan ng pag-reject sa kumpirmasyon ng kalihim.
 
 
Una rito, inamin ni Yasay na November 1986 nang na-isyuhan siya ng US passport at dito rin niya nakuha ang kanyang us naturalization certificate.
 
Pero, ibinasura niya ang kanyang citizenship dahil nagdesisyon siyang bumalik at manatili sa Pilipinas matapos mapatalsik si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
 
Gayunpaman, pinagtibay pa rin sa plenaryo ang pagbasura sa appointment ni Yasay.
 
 
Ikinalungkot naman ng malakanyang ang pagkaka-reject ng appointment ni Yasay.
 
Si Yasay ang kauna-unahang appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nakalusot sa CA.
 
Samantala, makipag-ugnayan ngayong araw ang Office of Executive Secretary (OES) sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa itatalagang acting Secretary.
 
Inaasahang iaanunsyo din kung sino ang hahalili sa nabakanteng pwesto ni Yasay.

RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila

Facebook Comments