Pangulong Duterte, aminadong wala ng magagawa kung mga mahihirap ang napapatay sa kampanya kontra droga

61
Manila, Philippines – Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala nang magagawa kung mahihirap lamang ang napapatay sa giyera kontra droga.
 
Ayon sa pangulo – kailangang sugpuin ang mga nagpapakalat ng droga at ang pinakapuno’t-dulo nito.
 
Nanindigan din si Duterte na kailangang managot ang lahat ng sangkot ng droga sa bansa.
  
Aminado naman ang pangulo na may mga nangyaring patayan sa Davao City noong alkalde pa siya ng lungsod pero paglilinaw niya na wala siyang kinalaman rito.
 
Giit pa ng pangulo, nakahanda naman siyang harapin ang anumang parusa kung mapapatunayan na siya ay nagkasala.
 
 
 Tags: RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila

Facebook Comments