Kumpirmasyon ni Foreign Sec. Yasay, muling naudlot

MANILA, PHILIPPINES – Muli na namang naudlot ang kumpirmasyon ni Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay sa Commission on Appointment.

 

May mga dokumento kasing dapat munang maisumite sa CA ang kalihim kabilang ang isyu ng kanyang U.S. citizenship.

 

Sa pagdinig kanina, unang naungkat ng mga miyembro ng CA ang usapin ng citizenship ni Yasay na isa sa mahahalagang requirement sa kanyang hinahawakang posisyon.

 

Pero giit ni Yasay, hindi niya inabandona ang kanyang pagiging Pilipino sa kabila ng kanyang panunumpa ng pagsuporta sa mga batas ng New York nang mag-apply siya ng citizenship.

 

 

Taong 1987 nang bumalik sa bansa si Yasay at inayos ang kanyang pagkamamamayan.

 

Maliban sa isyu ng citizenship, naungkat din sa pagdinig ang usapin ng distressed OFWs, extradition treaty ng Pilipinas sa China, South China Sea dispute, pondo sa legal assistance ng OFWs na aniya’y umaabot sa 100-million pesos at ang paghahanda ng dfa sa deportation ng daan-daang libong undocumented Filipinos sa US.




Facebook Comments