KUMPISKADO | 2-milyong halaga ng marijuana, nasabat ng PDEA sa QC

Quezon City – Mahigit dalawang-milyong pisong halaga ng mataas na uri ng marijuana ang nasabat ng mga tauhan ng PDEA sa isang bus terminal sa Quezon City.

Nakatago sa loob ng TV ang pake-pakete ng marijuana na ikinarton na parang mga chocolate bar.

Ayon sa konduktor ng bus, galing sa mountain province ang ipinagbabawal na gamot at nakapangalan sa isang Apollo Arnaiz.


Nagtataka raw siya dahil walang chord ang TV at walang nagke-claim.

Doon na naghinala ang pamunuan ng bus company at agad na nag-timbre sa PDEA.

Dahil dito, mas maghihigpit na rin ang pulisya sa pag-iinspeksyon ng mga bagaheng isinasakay sa bus na nagiging Stratehiya umano ng mga drug syndicate sa pagbabiyahe at pagsu-suplay ng droga.

Facebook Comments