KUMPISKADO | Babae, huli sa tangkang pagpuslit ng shabu sa presinto ng QCPD

34

Quezon City – Kalaboso ang isang babae matapos magtangkang magpuslit ng shabu sa loob ng bilangguan ng Quezon City Police District.

Sa ulat, hinihinalang idedeliber ng suspek na si Joan Dela Cruz ang iligal na droga sa kanyang nakapiit na live-in partner na si Crisencio Tismo pero nabuko ang diskarte nito.

Nabatid na si Tismo ay nakadetine sa detention facility ng PS-3, matapos na maaresto ng mga pulis noong nakaraang buwan dahil rin sa pag-iingat ng iligal na droga.

Nakumpiska kay Dela Cruz ang isang pakete ng shabu na nakabalot ng panyo at nakalagay sa kanyang bulsa.

Facebook Comments