TIMBOG | Lalaki na pinaghihinalaang may deperensya sa pag-iisip, huli matapos gahasain at patayin ang isang menor de edad

50

Cavite – Arestado ang isang lalaki na pinaghihinalaang may deperensya sa pag-iisip matapos gahasain at patayin ang isang menor de edad sa Cavite.

Sa ulat, natagpuan ng mismong kaanak ng limang taong gulang na biktima ang bangkay nito sa bahay mismo ng suspek na si alyas Nico sa Barangay Langkaan Dos.

Ayon sa lolo ng biktima na si Eduardo Trinidad, nakabalot ng kumot ang kanyang apo nang makita nila ito habang kasama ang suspek na kapwa wala ng saplot.

Agad isinugod sa ospital ang biktima ngunit ideneklara ring dead on arrival kung saan nadakip naman ng mga otoridad si Nico na umamin sa nagawang krimen.

Facebook Comments