KUMPISKADO | Halos isang milyong pisong halaga ng shabu nasabat ng PDEA sa Bataan

Bataan – Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang halos isang milyong pisong halaga ng shabu sa Dinalupihan, Bataan.

Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng PDEA ang isang bahay ng suspek na si Ferdinand Mallari sa Barangay Rizal.

Nakumspika ng mga otoridad ang P800,000 halaga ng 28 sachet ng shabu at 15 gramo ng marijuana.


Kasama rin sa mga inaresto sina Audie-Mar Simsuangco, Eduardo Pecson, Elmer Angeles at Kristine Mallari.

Facebook Comments