TAAS-PRESYO | Malacañang, iginiit na batid ni Pangulong Duterte ang pasakit ng mga Pilipino

Manila, Philippines – Ikinokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pasakit ng mga Pinoy sa pagtaas ng mga produktong petrolyo na nakakaapekto sa presyo ng mga bilihin.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi maaaring talikuran ng Pangulo ang mga pangkaraniwang Pilipino na nagluklok sa kanya bilang pinakamataas na lider ng bansa.

Una nang sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na reklamador ang mga Pilipino dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na nagkakaapekto sa presyo ng mga pangunahing bilihin.


Facebook Comments