KUMPISKADO | Halos P74-M halaga ng shabu narekober sa magkakahiwalay na operasyon sa Western Visayas

296

Aabot sa halos 74 na milyong halaga ng shabu ang na-rekober ng pulisya sa magkahiwalay na buy-bust operation sa San Carlos City, Negros Occidental at Bacolod City.

Ayon kay Police Regional Office 6 Director Police Chief Superintendent John Bulalacao alas-2:30 ng madaling araw kanina ng isagawa ang buy-bust operation sa Barangay Palampas, San Carlos City, Negros Occidental laban sa tatlong suspek.

Kinilala ang mga itong sina alyas Putot, Armando Paraquelles at Josephine Paraquelles alyas “Tipin” na nakatakas ng isagawa ang operasyon na ngayon ay target sa manhunt operation ng PNP.

Narekober sa isinagawang buy-bust operation ang anim na packs na shabu na may bigat na anim na libong gramo at may street value na 72 million pesos.

Nakuha rin ang isang cellphone, isang motorsiklo at 6.8 million boodle money na may 100.00 peso bill subscribed money.

Sa Purok Ube, Barangay 4, Bacolod City naman narekober rin ng pulisya sa kanilang buy-bust operation ang 120 gramo ng shabu na may street value na 1.4 million pesos.

Nakuha ang mga ito sa mga suspek na sina Faisalin Ibra, 21-anyos, residente ng Barangay Raya, Marawi City at Norhan Caunda 42-anyos, residente ng Barangay Lilod, Marawi City.

Facebook Comments