KUMPISKADO | Ilang appliances at gamit na walang ICC Mark, kinumpiska ng DTI sa isang tindahan sa Bulacan

Bulacan – Kinumpiska ng Department Of Trade and Industry ang mga appliances at gamit sa isang tinadahan sa Balagtas, Bulacan matapos na makitang walang import Commodity Clearance (ICC) o product standards mark na siyang patunay na dumaan ang produkto sa kanilang pagsusuri.

Sangkaterbang produkto mula electric fan hanggang stove at electric cooker ang nakitang walang ICC Stickers kung saan wala ring lisensiya ang mga itinitindang produkto ng isang katabing tindahan nito.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, posibleng pagmulan ang mga produkto ng sunog dahil hindi ito dumaan sa pagsusuri ng ahensiya.


Nag-inspeksiyon din ang DTI sa mga supermarket kung saan nadiskubre nila na mas mataas sa Suggested Retail Price (SRP) ang presyo ng de-latang karne.

Tiniyak naman ng DTI na wala pang manufacturer ng basic goods ang nag-abisong magtataas ng presyo at nilinaw nila na magsisilbing guide lamang ang planong paglalagay SRP sa sari-sari stores sa buong bansa.

Facebook Comments